Prusisyon ng Itim na Nazareno, nagsimula nang umusad

By Dona Dominguez-Cargullo January 09, 2017 - 06:27 AM

Inquirer Photo
Inquirer Photo

Bago ang pormal na pagsisimula ng traslacion ng Itim na Nazareno, pinangunahan muna ni Msgr. Ding Coronel, kura-paroko ng Quiapo Churh ang isang morning prayer.

Alas 5:17 ng umaga nang matapos ang panalangin na sinundan ng paglilipat na sa imahe ng Itim na Nazareno sa andas nito.

Matapos mailagay sa andas at matiyak na naiayos na ang imahe, unti-unti nang umusad ang prusisyon dakong alas 5:30 ng umaga.

Mas maaga ng mahigit isang oras ang pag-usad ng prusisyon kumpara sa itinakda ng mga origanizer.

Marami sa mga deboto ay sa Quirino Grandstand na nangpalipas ng gabi para dumalo sa idinaos na misa at pumila sa pahalik.

Sa pagtaya ng Philippine National Police, umabot na sa halos kalahating milyon ang bilang ng mga deboto na nasa Quirino Grandstand at palibot nito kaninang alas 5:00 ng umaga.

Sa pagtaya, inaasahang aabot sa labinglimang milyon ang lalahok ngayon sa prusisyon.

 

 

TAGS: Black Nazarene, Quiapo Manila, Quirino Grandstand, Traslacion, Black Nazarene, Quiapo Manila, Quirino Grandstand, Traslacion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.