Bagyong Auring, nag-landfall sa Ubay, Bohol; signal #1 itinaas sa 17 lugar sa bansa

By Dona Dominguez-Cargullo January 09, 2017 - 06:23 AM

Napanatili ng bagyong Auring ang lakas nito at ngayon ay nasa bisinidad na ngBohol.

Sa weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 100 kilometers East Northeast ng Tagbilaran City.

Taglay ito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 75 kilometers bawat oras.

Nasa 9 kilometers bawat oras lamang ang kilos ng bagyo sa direksyong West Northwest.

Alas 4:45, tumama ang bagyong Auring sa kalupaan ng Ubay, Bohol. Ito na ang ikalawang pagtama sa lupa ng bagyo.

Itinaas na ng PAGASA ang public storm warning signal number 1 sa Cuyo Island, Bohol, Siquijor, Negros Provinces, Southern Leyte, Cebu, Camotes Island, Guimaras, Capiz, Iloilo, Southern part ng Antique, Agusan Del Norte, Surigao Del Norte, Siargao Island, Dinagat Province, Misamis Oriental at Camiguin.

Binalaan ng PAGASA ang mga residente sa mga lugar na may nakataas na public storm warning signal sa posibleng pagbaha at landslides.

 

TAGS: AUring, Pagasa, Tropical Depression, Weather in Philippines, AUring, Pagasa, Tropical Depression, Weather in Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.