‘Pahalik’ sa Nazareno sa Quirino Grandstand, dinayo ng libu-libong deboto

By Kabie Aenlle January 09, 2017 - 04:34 AM

Mula sa Inquirer.net

Bago pa man ang Traslacion ng Poong Itim na Nazareno ngayong araw ng Lunes, January 9, libu-libong deboto na ang pumila sa Quirino Grandstand para sa tradisyunal na “pahalik.”

Tina-tyaga ng mga deboto ang napakahabang pila sa Quirino Grandstand, para sa pagkakataong makahawak at makahalik sa paa ng imahen ng Nazareno na pinanininawalaang milagroso.

Nahahati sa dalawa ang pila ng mga nais humalik sa paa ng Nazareno, na binabantayan ng mga organizers – isa dito ay isang special lane para sa mga senior citizens at mga persons with disabilities.

Sa pinakahuling tala ng Manila DRRMO, umaabot na sa kalahating milyon, (500,000) ang mga taong dumagsa para sa nasabing pahalik at magvigil sa Quirino Grandstand.

Dahil taunan rin itong dinadagsa, tiniyak rin ng Philippine National Police ang mahigpit na seguridad dito, at naglagay rin ang Philippine Red Cross ng mga ambulansya at medics para sa mga mangangailangan ng atensyong medikal.

Muli namang ipinaalala ng mga otoridad na kumain muna bago sumabak sa Traslacion upang maiwasan ang pagkahilo, at na huwag nang magdala ng mga gamit na hindi naman kakailanganin para makaiwas naman sa pagnanakaw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.