Pag-iwas sa pagiging mapang-husga, sentro ng mensahe ni Cardinal Tagle sa Kapistahan ng Nazareno
Hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang sambayanan na gamitin ang pag-ibig upang magsilbing tagapagbuklod at susi ng pagkakaisa ng sambayanan.
Sa kanyang homily sa Quirino Grandstand kasabay ng Kapistahan ng Poong Nazareno, sinabi ni Tagle na dapat na gamiting halimbawa ng taumbayan ang ipinakitang pagmamahal ni Jesus Nazareno upang maalis ang pagkakawatak-watak ng mamamayan.
Paliwanag pa ng Kardinal, walang patutunguhan at mananatiling watak-watak ang mga Pilipino kung mananatiling mapanghusga.
Hindi dapat aniya nagmamalinis ang bawat isa at tanggapin ang katotohanang lahat ay pare-pareho lamang at hindi nagkakalayo sa isa’t-isa.
Ngayong umaga, inaasahang dadagsain ng milyun-milyong mga deboto ang ‘traslacion; o ang paghahatid muli ng imahe ng Poong Nazareno sa simbahan ng Quiapo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.