Umano’y ‘bagitong’ drug pusher, nahulihan ng P1.9M halaga ng shabu sa Caloocan

 

Nasakote ng Northern Police District (NPD) ang isang hinihinalang drug pusher, na nahulihan nila ng nasa 800 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1.9 milyon sa Caloocan City.

Ayon kay NPD director Chief Supt. Roberto Fajardo, naaresto nila ang suspek na si Ian Oquendo sa Pamasawata, malapit sa C5 Road sa Barangay 28.

Aniya pa, wala pa sa kanilang watchlist si Oquendo, at base sa kanilang inisyal na imbestigasyon, sinimulan ng suspek na may alyas “Monay” ang kaniyang operasyon limang buwan pa lang ang nakalilipas.

Pinasalamatan naman ni Fajardo ang publiko para sa suporta at kooperasyon na naging dahilan para mapagtagumpayan ang naturang operasyon.

Partikular niyang tinukoy ang pagbabahagi ng mga residente ng impormasyon sa pulisya tungkol sa mga pangalan at kinaroroonan ng mga nangangalakal ng iligal na droga sa kanilang komunidad.

Read more...