Bagyong ‘Auring’ napanatili ang lakas habang tinatawid ang Bohol Sea

 

Napanatili ng bagyong “Auring” ang lakas nito habang patuloy na tinatawid ang Mindanao o Bohol Sea sa bilis na 7 kilometers per hour patungo sa direksyong West Northwest.

Base sa pinakahuling update ng PAGASA weather bulletin, huling namataan ang bagyo sa 35 kilometers West Southwest ng Surigao City, Surigao del Norte.

May taglay itong lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugso na 75 kilometers per hour.

Nakataas naman ang tropical cyclon warning signal number 1 sa Cuyo Island, Bohol, Siquijor, Negros Provinces, Southern Leyte, Cebu including Camotes Island, Guimaras, Iloilo, Southern part of Antique, Agusan del Norte, Surigao del Norte including Siargao Island, Dinagat Province, Misamis Oriental, at Camiguin.

Muli ay pinapaalalahanan ng PAGASA ang mga residenteng nakatira sa mga mabababang lugar na maging mapagmatyag laban sa pagbabaha at pagguho ng lupa.

Read more...