Bagyong ‘Auring’ napanatili ang lakas habang tinatawid ang Bohol Sea

January 09, 2017 - 04:32 AM

 

auring 1amNapanatili ng bagyong “Auring” ang lakas nito habang patuloy na tinatawid ang Mindanao o Bohol Sea sa bilis na 7 kilometers per hour patungo sa direksyong West Northwest.

Base sa pinakahuling update ng PAGASA weather bulletin, huling namataan ang bagyo sa 35 kilometers West Southwest ng Surigao City, Surigao del Norte.

May taglay itong lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugso na 75 kilometers per hour.

Nakataas naman ang tropical cyclon warning signal number 1 sa Cuyo Island, Bohol, Siquijor, Negros Provinces, Southern Leyte, Cebu including Camotes Island, Guimaras, Iloilo, Southern part of Antique, Agusan del Norte, Surigao del Norte including Siargao Island, Dinagat Province, Misamis Oriental, at Camiguin.

Muli ay pinapaalalahanan ng PAGASA ang mga residenteng nakatira sa mga mabababang lugar na maging mapagmatyag laban sa pagbabaha at pagguho ng lupa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.