Truck ban sa Roxas Blvd. at Osmeña Highway, ipatutupad para sa Traslacion

By Kabie Aenlle January 09, 2017 - 04:00 AM

 

Inquirer file photo

Inanunsyo ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na magpapatupad sila ng pansamantalang truck ban sa kahabaan ng Roxas Boulevard at Osmeña Highway para magbigay daan sa Traslacion ng Poong Itim na Nazareno.

Ayon kay MMDA general manager Tim Orbos, magsisimula ang nasabing truck ban alas-12:00 ng hatinggabi hanggang ala-1:00 ng hapon ng January 9, sa pagitan ng Quirino Avenue at Anda Circle.

Paliwanag ni Orbos, gagawin nila ito upang mabigyang daan ang prusisyon ng imahen ng Itim na Nazareno sa Roxas Boulevard, na inaasahang magsasanhi ng matinding trapiko sa loob ng ilang oras.

Dahil dito, pinayuhan ng MMDA ang mga truckers na gumamit muna ng mga alternatibong ruta.

Magsisimula ang traslacion alas-7:00 ng umaga na magmumula sa Quirino Grandstand, at magtatapos sa Quiapo Church o ang Minor Basilica of the Black Nazarene.

Karaniwang inaabot ng kalahati hanggang buong araw ang nasabing prusisyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.