Bilang ng stranded sa mga pantalan sa Bohol dahil sa bagyong Auring, umabot na sa 633

January 08, 2017 - 09:53 PM

 

FILE PHOTO
FILE PHOTO

Dahil sa bagyong Auring, umabot sa mahigit 600 pasahero ang stranded sa iba’t ibang pantalan sa Bohol.

Sa datos ng Philipping Coast Guard-Tagbilaran, kabuuang 633 ang mga pasaherong hindi nakabiyahe dahil sa masamang panahon.

Sa Tagbilaran City, pumalo sa 537 ang mga pasaherong stranded sa Tagbilaran port at karamihan sa mga pasahero ay patungong Cebu City

Sa probinsya naman ng Camiguin, hindi bababa sa apatnapu’t dalawang pasahero ang stranded sa Benoni Pier simula pa kahapon, araw ng Sabado.

Pero sa kabila nito, sinabi naman ng PCG-Tagbilaran na ang mga nastranded na pasahero ay bibigyan nila ng matutuluyan.

Papayagan lamang aniya na makabiyahe ang mga sasakyang pandagat kapag inalis na ng PAGASA ang storm signal.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.