‘Trashless’ Traslacion, hiniling ni Mayor Estrada sa publiko

By Mariel Cruz January 08, 2017 - 07:59 PM

 

Inquirer file photo

Umapela sa publiko si Manila Mayor Joseph Estrada partikular na sa mga deboto ng Itim na Nazareno na panatilihin malinis ang mga kalsada sa lungsod habang isinasagawa ng Traslacion bukas, araw ng Lunes.

Sa isang pahayag, hinikayat ni Mayor Estrada ang mga dadalo sa Traslacion na gawing makabuluhan Pista ng Itim na Nazareno sa pamamagitan ng pagpapanatili na malinis ang kapaligiran.

Dapat aniyang iwasan ang pagtatapon ng basura sa kahit saan na lang dahil sinisira nito ang diwa ng naturang tradisyon.

Kasabay nito, ipinag-utos ni Estrada sa Manila Department of Public Services na tiyakin na magiging “zero waste” ang isasagawang prusisyon.

Dagdag ng alkalde, magiging matagumpay ito kung ang bawat isa ay magtutulungan.

Magdedeploy naman si Estrada ng 600 street sweepers sa mga kalsadang dadaanan ng prusisyon para agad na malinis ang mga maiiwanan basura.

Matatandaang na noong nakaraang Traslacion, aabot sa tatlumpu’t limang truck ng basura ang nahakot ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.