Klase sa ilang paaralan bukas, sinuspinde na dahil sa ‘Auring’

 

Ilang lokal na pamahalaan na ang nag-anunsyo ng suspensyon ng klase sa kani-kanilang mga lugar dahil sa masamang panahon dulot ng bagyong “Auring.”

Kabilang sa mga nagsuspinde ng klase ang:
– Lalawigan ng Cebu – public schools, elementary at high school
– Tandag City, Surigao del Sur – all levels
– Bayan ng Bayabas at Cagwait, Surigao del Sur – all levels
– Lapu-Lapu City – preschool

Samantala, pansamantalang sinuspinde na rin ng LTFRB ng mga byahe ng pampublikong bus patungong Cebu dahil sa bagyo.

Sa advisory, sinabi ng LTFRFB na kanselado na ang mga byahe ng RORO bus patungong Liloan, Toledo, Tabuelan at Hagnaya.

Hindi na dapat aniyang lumabas ng terminal ang mga bus na bumibyahe sa mga naturang ruta.

Samantala, sa Maynila, suspendido naman ang mga klase sa paaralan at sa mga opisina ng gobyerno bukas, January 9, dahil naman sa Traslacion ng Itim na Nazareno.

Read more...