‘Auring’ nag-landfall sa Siargao, Surigao Del Norte

By Jay Dones January 08, 2017 - 06:08 PM

 

auring landfallNaglandfall na ang bagyong ‘Auring’ sa Siargao island, Surigao Del Norte.

Ayon sa Pagasa, namataan ang bagyo sa bisinidad ng Cagdinao, Dinagat islands.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na nasa 55 kph at pagbugsong umaabot sa 70 kilometers per hour.

Tinatahak nito ang direksyong northwest sa bilis na 9 kph.

Itinaas na rin ang Tropical Cyclone Warning Signal number 1 sa:
-Cuyo island sa Luzon
-Bohol,
-Siquijor,
-Negros Provinces,
Southern Leyte,
-Cebu,
-Guimaras,
-Southern part of Iloilo at;
-Southern part of Antique sa Visayas at:

-Agusan del Norte,
-Surigao del Sur,
-Surigao del Norte kasama na ang Siargao Island,
-Dinagat Province,
-Misamis Oriental at;
-Camiguin

Patuloy na inaabisuhan ng Pagasa ang mga residenteng nakatira sa apektadong lugar na maging alertado sa mga pagbaha at mga pagguho ng lupa sanhi ng ulan at hangin.

Nakataas na rin ang Orange Warning level sa Sinagat islands, Siargao island, Surigao Del Norte, Surigao Del Sur at Agusan Del Norte.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.