Radio announcer patay sa pamamaril sa Vigan City, Ilocos Sur

police-line-0815Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan na kanyang ikinamatay ang isang radio announcer nang pagbabarilin sa national highway sa munisipalidad ng Magsingal, Ilocos Sur.

Batay sa mga paunang ulat ng mga imbestigador, minamaneho ni Mario Cantaoi, 52 years old ang kanyang motorsiklo sa national highway na bahagi ng Brgy. San Ramon nang siya ay atakehin ng magka-angkas sa motorsiklo pasado alas 10:30 ng gabi.

Kaagad namang naisugod sa pagamutan ang biktima subalit siya ay binawian pa rin ng buhay.

Narekober ng mga otoridad sa crime scene ang anim na basyo ng bala mula sa kalibre. 45 na baril.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo sa pamamaslang.

Si Cantaoi ay volunteer radio announcer-reporter sa DZNS Radio sa Vigan City at propesor sa University of Northern Philippines.

Read more...