NCMF officials at dating DFA employee, pinakakasuhan dahil sa Hajj passport scam

By Ricky Brozas January 08, 2017 - 10:00 AM

INQUIRER FILE PHOTO

Pinasasampahan na ng patung-patong na kaso ng piskalya sa Pasay City ang mga indibidwal na hinihinalang sangkot sa pag-iisyu ng Philippine Passport sa mga dayuhan na bumiyahe sa Hajj pilgrimage sa Saudi Arabia noong nakalipas na taon.

Kasama sa pinakakasuhan ng paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940, Philippine Passport Act, trafficking in persons at estafa sina Secretary Yasmin Lao ng National Commission on Muslim Filipinos; NCMF Commissioner Salem Demuna, NCMF Chief Pilgrimage Operations Zainoden Usudan, at iba pang mga opisyal sa NCMF na sina Mamintal Cali, Gamal Hallong, Narodin Lamondot, Abang Marohomsalic, Udro Bantuas Sania Mangandog, Lawrence Dilangalen at dating empleyado sa DFA Passport Division na si Khalid Ali Mapandi.

Inabswelto naman ng Pasay City Prosecutors Office ang reklamo laban sa apatnapu’t walong iba pang opisyal ng NCMF at DFA sa pangunguna nina Sawia Punut, Potre Alonto, Harimah Maruhon Viola Sarip, Sitti Divina Roxas at 43 na iba pang respondent dahil sa kawalan ng probable cause.

Nag-ugat ang reklamo sa nabuking umanong modus operandi sa pag-iisyu ng Hajj Passport matapos maaresto sa Ninoy Aquino International Airport ang 177 Indonesian na patungo sana ng Medina Saudi Arabia dahil sa peke umanong travel document noong Agosto ng nakaraang taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.