Pagtatanggal ng back-up memory card sa mga VCM, pinahintulutan na ng Presidential Electoral Tribunal

By Ricky Brozas January 08, 2017 - 09:50 AM

VCM electionsPinayagan na ng Presidential Electoral Tribunal o PET ang pagsasagawa ng tinatawag na stripping activities sa lahat ng mga vote counting machine o VCM na saklaw ng election protest ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.

Ang stripping activity ay tumutukoy sa pag-aalis ng mga back up card, modem at external batteries mula sa VCM at CCS o Consolidation and Canvass Units.

Ang proseso ay bahagi ng paghahanda para sa aktuwal na pagsauli ng mga nirentahang makina sa Smartmatic.

Sa isang resolusyon, iniutos ng Korte Suprema na umuupong PET na madaliin ang pagsasagawa ng stripping activities.

Kasabay nito, inatasan din ng PET ang Commission on Elections na payagan ang mga partido at kinatawan ng PET na mag-obserba at magkumento sa pagsasagawa ng stripping activity.

Inaprubahan din ng PET ang pagdaraos ng preliminary discussion sa pagitan ng Comelec, at mga abugado at watcher ng mga partido sa kaso para sa panuntunang ipatutupad sa pagsasagawa ng nasabing proseso, kasama na ang ocular inspection sa warehouse ng Comelec sa Sta Rosa Laguna kung saan gagawin ang stripping activity.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.