Armed Forces ng China, naglunsad ng live-fire exercise

August 11, 2015 - 03:51 PM

 

Inquirer file photo

Umaabot sa 140, 000 mga miyembro ng Chinese Military ang nakikilahok sa malawakang live-fire exercises na isinasagawa kanlurang bahagi ng naturang bansa.

Batay sa ulat ng Xinhua News Agency, inilunsad ang “Joint Action-2015D” sa Chengdu Military Region na kauna-unahan sa limang live-fire drill na isasakatuparan kasama ang buong puwersa ng army, navy, air force, missile corps at iba pang sangay ng Chinese Armed Forces.

Kabilang sa kanilang ginawang live-fire drills ay ang pagsasakatuparan kamakailan ng live fire drills sa South China Sea kung saan sangkot ang China sa pang-aagaw umano ng teritoryo sa ilang mga shoal at mga reef sa naturang lugar na inaangkin ng Pilipinas at tatlo pang bansa.

Ang mga naturang mga ehersisyo ay una pa lamang sa inaasahang 100 mga live fire drills na isasagawa sa taong ito.

Noong nakaraang buwan, sinimulan ng Chinese Armed Forces ang military exercises ngunit nitong linggo lamang sinimulan ang mga live-fire drill. / Jay Dones

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.