Sa inilabas na security message, nagpaalala ang embahada sa mga isinarang kalsada, mga lugar na tatanggalan ng signal at dadaanang ruta ng milyun-milyong Pilipinong deboto.
Hindi man direktang inihayag, hinikayat ng US embassy ang mga Amerikano na alalahanin ang preventive measures upang masiguro ang kaligtasan sa pag-iikot sa bansa.
Batay pa rito, sinabi ng Department of State Worldwide na may terror threats laban sa bansa maging sa mga Amerikano at iba pang foreigner noon pang September 9, 2016.
Sa kabila nito, siniguro ni Manila Mayor Joseph Estrada na mallit lamang ang tsansa ng banta ng terorismo sa nasabing pista.
Aniya, walang naitalang terror threat ang mga organisasyong panseguridad kaugnay dito.
Gayunman, pinaalalahanan ni Manila Police District Director Chief Supt. Joel Coronel, ground commander sa operasyon sa Traslacion, ang publiko na manatiling kalmado sa kabila ng mga lumalabas na terror threats.