Binata, patay matapos umanong manlaban sa mga pulis sa Caloocan City

By Cyrille Cupino January 08, 2017 - 08:45 AM

CALOOCAN
Kuha ni Cyrille Cupino

Hustisya ang sigaw ng magulang ng binatang napatay matapos umanong manlaban sa mga pulis sa ikinasang operasyon sa Brgy. Bagong Barrio, North Caloocan.

Kinilala ang biktima na si Hideyoshi Kawata, labing pitong taong gulang, college student na kumukuha ng kursong HRM.

Batay sa kwento ng ina ng biktima na si Mitos, may mga pulis umano na pumasok sa kanilang bahay para magsagawa ng search operation laban sa kanyang live-in partner na hinihinalang sangkot sa bentahan ng iligal na droga.

Ayon naman kay Fiscal Darwin Cañete, City Prosecutor ng Caloocan City, lehitimo ang kanilang ikinasang operasyon.

Nakatanggap umano sila ng report na maraming tao ang pumapasok sa naturang bahay na posibleng nagsisilbing drug den.

Ayon pa kay Cañete, nanlaban umano ang biktima na armado ng isang Uzi pistol dahilan para paputukan ng mga pulis at mapatay.

Narekober din sa kamay nito ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu, at mga drug paraphernalia.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Caloocan City police sa nasabing insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.