De Lima, tinuligsa ang pagkakasama ni Kerwin Espinosa sa WPP
By Rod Lagusad January 08, 2017 - 05:18 AM
Tinuligsa ng Sen. Leila de Lima ang ulat na isinailalim na sa Witness Protection Program (WPP) si Kerwin Espinosa.
Inilarawan ni De Lima na ito ay bahagi ng political persecution ng administrasyon laban sa kanya.
Ayon kay De Lima, hindi kwalipikado si Espinosa sa WPP dahil ito ang pinaka-guilty sa operasyon ng droga partikular na sa Eastern Visayas.
Binigyan diin niya na ito b pinaka-importanteng basehan para mapabilang ang isang tao sa WPP.
Dagdag pa niya na ang nakakabatang Espinosa ay ang nanatiling pinaka-guilty dahil sa direkta nitong partisipasyon sa kalakalan ng ilegal na droga.
Aniya ni De Lima, na ang Department of Justice (DOJ) at buong Duterte administration ay ginagawa ang lahat para masira siya dahil sa patuloy niyang pagbatikos sa kampanya nito laban sa ilegal na droga sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.