2 miyembro ng Al-Khilafah Philippines, napatay sa Sarangani

By Rod Lagusad January 08, 2017 - 05:15 AM

inquirer file photo

Patay ang dalawang hinihinalang miyembro ng jihadist group na Ansar Al-Khilafa Philippines kabilang ang isang banyaga sa Saranggani kahapon ng Sabado.

Kinilala ang mga napatay na si Abu Naila na isang banyaga at isang babae na nakilala sa tawag na Kadija. Ayon kay Superintendent Romeo Galgo, tagapagsalita ng Central Mindanao Regional Police, ang dalawang suspek ay napaty sa isinagawang follow-up operation sa Barangay Daliao sa bayan ng Maasim bandang 11:45 ng umaga ng Sabado. Dagdag pa ni Galgo na sinubukan ng isa sa mga suspek ang gumamit ng granada laban sa mga aarestong pulis kaya napilitan ang mga otoridad na barilin sila. Matatandaan na nauna ditong napatay ang lider ng nasabing jihadist group na sa Mohammad Jaafar Maguid aliyas Tokboy sa bayan Kiamba sa Saranggani habang tatlo naman ang naaresto na pinaghihinalaang miyembro ng naturang grupo.

TAGS: Al-Khilafa Philippines, Central Mindanao Regional Police, jihadist group, Saranggani, Al-Khilafa Philippines, Central Mindanao Regional Police, jihadist group, Saranggani

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.