Forced evacuation, ipinatupad na sa Surigao del Sur
By Rod Lagusad January 08, 2017 - 05:10 AM
Ipinatupad na ng force evacuation sa ilang residente ng Surigao del Sur dahil sa patuloy na malakas na ulan na dulot ng Bagyong Auring.
Labindalawang nayon sa San Miguel, Surigao del Sur ang lubhang apektado ng pagbaha dahil sa pag-apaw ng Tago River sa lugar. Nakaantabay na ang Search and Rescue Teams of Agusan del Sur (SARAS) dahil sa mga ulat na pagbaha sa ibang bahagi ng probinsya. Ayon kay SARAS officer-in-charge Oliver Binancilan, na patuloy ang kanilang komunikasyon sa mga isk reduction management officers sa mga byan ng Agusan del Sur kung saan kanilang inaasahan ang pagkakaroon ng pre-emptive evacuation partikular sa mga lugar na flood prone areas. Habang ilan sa mga residente ng Agusan del Sur ay itinuturing na “blessing in disguise” ang naturang pagbaha dahil nagpapaalis ito sa mga peste mula sa kanilang mga pananamim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.