Signal Number 1, nakataas na sa 15 probinsya

PAGASA file photo

Napanatili ng Bagyong Auring ang lakas nito habang papalapit sa mga probinsya ng Surigao.

Sa inilabas na Severe Weather Bullerin No. 4 ng PAGASA kaninang alas dos ng madaliwang araw ay huling namataan ito sa layong 170 km Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

May taglay ito ng lakas na hangin aabot sa 55 kph malapit sa gitna at pagbguso na aabot sa 70 kph.

Habang kumikilos ito sa direksyong Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 7 kph.

Nakataas ang Tropical Cyclone Warning Signal 1 sa mga lalawigan ng Bohol, Siquijor, Southern Leyte, Agusan del Sur, Agusan del Norte, Surigao del Sur, Surigao del Norte kabilang ang Siargao Island, Dinagat Province, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Bukidnon, Camiguin, Davao del Norte, Northern Davao Oriental at Compostela Vally.

Inaasahan na magla-landfall ang naturang bagyo sa Surigao area mamayang gabi o bukas ng umaga, araw ng Lunes.

Tinatayang ang dalang ulan nito ay katamtam hanggang sa mabigay sa loob ng 300 km diameter nito.

Inaabisuhan ang mga mangingisda at iba pang may maliliit na sasakyang pandagat na huwag ng pumalot sa eastern seaboard ng Visayas at Mindanao.

Inalerto ang mga residente ng mga apektadong lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha at landslide.

Read more...