PDEA: Chinese nationals numero uno pa rin sa mga nagpapasok ng droga sa bansa
Dumoble ang bilang ng mga dayuhang naaresto dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga.
Sa record ng Philippine Drug Enforcement Agenecy (PDEA), umakyat sa 112 na mga dayuhan noong 2016 ang kanilang mga naaresto kumaparas a 38 lamang noong 2015.
Nanguna sa listahan ang mga Chinese nationals na nakapagtala ng 44 na naaresto.
Sumunod naman sa listahan ang Taiwanese nationals na may 29, Hong Kong residents at Koreans na may tig-pito samantalang 25 naman ang mga Amerikano at Europeans.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency Director General Isidro Lapeña, malaki ang naging papel ng mga dayuhan sa pagpapalaganap ng iligal na droga sa bansa.
Nangako naman ang PDEA na paiigtingin nito ang pagbabanaty sa mga dayuhan sa bansa lalo na yung mga kasapi ng iba’t ibang mga drugs group.
Matatandaan na sa state visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China noong October 2016 ay nilagdaan ng China at Pilipinas ang isang protocol on cooperation para matugunan ang drug-related crimes sa bansa sa loob ng limang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.