U.K naglabas ng travel advisory kaugnay sa Traslacion ng Itim na Nazareno sa Lunes
Naglabas ng travel advisory ang United Kingdom para sa kanilang mga kababayan na iwasan ang lungsod ng Maynila sa Lunes, January 9 o araw ng Traslacion ng Black Nazarene.
Pinayuhan rin ang mga British nationals na umiwas sa mga matataong lugar sa bansa.
Ibinase nila ang kanilang advisory sa naging pahayag ni Interior Sec. Mike Sueno na umano’y may nakalap silang impormasyon kaugnay sa terroristic act na pwedeng isabay sa mismong araw ng Traslacion.
Sinabi ni Sueno na galing sa Maute Group at Abu Sayyaf ang nasabing banta.
Nauna dito ay naglabas rin ng travel advisory ang U.S at Autralian Embassy pero hindi naman nila tuwirang binanggit ang pag-iwas sa Traslacion sa Lunes.
Sa kanyang panig, sinabi ni Manila Mayor Joseph Estrada na minimal lamang ang tsansa na makapaghasik ng lagim sa lungsod ang mga teroristang grupo.
Ipinaliwanag ni Estrada na mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng pamahalaan sa seguridad para sa mga dadalo sa taunang Traslacion sa Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.