Mga suspek sa Hilangos, Leyte bombing tukoy na ng PNP

Leyte bombing
Inquirer file photo

Nakilala na ang ilan sa mga suspek sa naganap na pagpapasabog sa isang amateur boxing event sa Hilangos, Leyte noong December 28.

Gayunman ay tumanggi ni Philippine National Police Region 8 Director CSupt. Elmer Beltejar na kilalanin ang mga ito habang on-going ang kanilang isinasagawang operasyon.

Ipinaliwanag ng opisyal na nakilala ang mga suspek makaraan silang makunan ng CCTV na papalayo ilang minute bago ang nasabing pagsabog.

Magugunitang mahigit sa tatlumpung katao ang sugatan sa pagsabog na galing sa mga narekober na bahagi ng 60mm at 81mm mortars.

Nauna nang sinabi ng PNP na kahalintulad ng istilong ginamit sa Davao City bombing kamakailan ang naganap na pagpapasabog sa bayan ng Hilangos.

Gumamit ang mga suspek ng cellhone sa pag-detonate ng bomba ayon pa sa mga otoridad.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagbigay ng tulong pinansiyal sa mga biktima ng insidente kasabay ang pagtiyak na mabibigyan sila ng hustisya.

Read more...