“It is over”, pahayag ni US VP Biden sa panalo ni US President-elect Trump

By Angellic Jordan January 07, 2017 - 09:28 AM

Joe BIden
AP

“It is over”

Ito ang naging pahayag ni Vice President Joe Biden kaugnay sa pagtutol ng ilang House Democrats sa pagkakapanalo ni Donald Trump sa nagdaang presidential elections sa Amerika.

Apela ng House Democrats, may kinalaman ang Russia sa inilabas na bilang ng mga boto kung kaya’t nanalo ang Republican bet.

Nabasura ang mga ito dahil ni isang senador, walang sumuporta sa nasabing alegasyon.

Bilang presiding officer, pinangunahan ni Biden ang pagbilang ng 538 electoral votes kung saan naging opisyal na nitong Biyernes ang naging resulta ng botohan.

Umabot sa 304 votes ang nakuha ni Trump habang 227 naman kay Democrat Hillary Clinton.

Samantala, nakatakdang manumpa bilang pangulo at pangalawang pangulo sina Trump at Mike Pence sa January 20.

TAGS: donald trump, joe biden, u.s president, donald trump, joe biden, u.s president

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.