Mga lansangan sa paligid ng Quiapo Church isasara na sa trapiko ngayong araw
Simula alas-dos ng hapon mamaya ay isasara na sa dloy ng trapiko ang kahabaan ng Palanca street ay serice road ng Quezon Boulevard sa gilid ng Quiapo Church sa Maynila.
Ito’y bahagi pa rin ng paghahanda para sa Traslacion ng Itim na Nazareno sa araw ng Lunes, January 9.
Sinabi ng pamunuan ng Manila Police District Office na asahan na rin ang mabigat ng daloy ng trapiko sa Raon, Evangelista street pati sa Recto Ave. simula sa araw na ito.
Kapuna-puna naman ang pagkakaroon ng ilang military trucks sa likod ng Plaza Miranda.
Nauna nang sinabi ni Interior Sec. Mike Sueno na may banta ng terorismo sa gaganaping Traslacion kaya nagdagdag na rin ng seguridad ang mga tauhan ng PNP, AFP at Philippine Coast Guard.
Sinabi ni Father Douglas Badong ng Minor Basilica ng Black Nazarene na maglalagay sila ng signal jammer sa mismong Andas na paglalagyan ng Itim na Nazareno.
Maghihigpit na rin ng seguridad sa paligid ng Quirino Grandstand sa Luneta dahil gaganapin bukas doon ang tradisyunal na pahalik.
Inaasahan na magsisisimula ang misa sa ganap na alas-kwatro ng umaga sa Lunes at pagkatapos nito ay sisimulan na ang taunang Traslacion.
Noong nakalipas na taon ay umabot ng labing-walong oras ang prusisyon ng Itim na Nazareno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.