5 patay sa pamamaril sa loob ng Florida Airport sa U.S
Lima ang patay samantalang walong iba pa ang grabeng sugatan sa naganap na pamamaril sa loob ng Fort Lauderdale-Holyywood International Airport sa Florida, U.S.A.
Sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad, isang lalaki na may U.S military I.D ang nag check-in ng baril sa paliparan.
Pero makaraang magpunta sa comfort room ay kaagad itong namaril sa baggage carousel.
Sinabi ng ilang mga saksi na tahimik ang suspek habang isinasagawa ang pamamaril gamit ang isang .9mm pistol.
Nang maubusan ng bala ay kaagad na dumapa ang suspek na siya namang sinamantala ng mga pulis at kaagad siyang inaresto.
Sa tanggapan ng Transportation Security Administration ay kinilala ang suspek na si Esteban Santiago, 26-anyos at kasalukuyang inaalam kung siya ba ay isang sundalo tulad ng nakasaad sa kanyang I.D.
Makaraan ang insidente ay kaagad na isinara sa publiko ang buong pasilidad ng paliparan.
Inaalam pa ng mga otoridad kung may kaugnayan sa terorismo ang naganap na shooting incident sa paliparan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.