80 arestado sa raid laban sa Maute group sa Quiapo, Maynila
(Developing story) Arestado ang 80 katao sa raid na isinagawa sa Islamic Center sa may Palanca St., Quiapo, Maynila.
Isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO), Manila Police District (MPD), Special Weapons And Tactics (SWAT) team, at Explosive Ordnance Disposal (EOD) unit ng Philippine National Police (PNP) ang naturang operasyon laban sa Maute group.
Sa ngayon ay dinala na ang nasabing 80 katao sa MPD para sa verification.
Matatandaang mas hinihigpitan na ngayon ng pulisya ang seguridad ngayon lalo na sa Maynila dahil sa nalalapit na Traslacion ng Poong Itim na Nazareno sa Lunes.
Mga naaresto sa islamic center sa Quiapo, Maynila, isinasailalim na sa verification | Video from Richard Reyes of PDI pic.twitter.com/IpoudkrbSG
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) January 6, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.