2 umano’y holdaper, patay sa engkwentro sa Quezon City

By Cyrille Cupino January 07, 2017 - 05:56 AM

Kuha ni Cyrille Cupino
Kuha ni Cyrille Cupino

Patay sa engkwentro ang dalawang hinihinalang holdaper sa Road 1, Alley 15, Brgy. Pagasa, Quezon City.

Ayon kay P/Supt. Igmedio Bernaldez, Station Commander ng Quezon City Police Station 2, ang mga napatay na sina Rameses Regala at isang hindi pa nakikilalang lalaki.

Hinoldap umano ng dalawang suspect ang isang dalaga sa bahagi ng EDSA-Congressional na sakop ng Brgy. Sto. Cristo.

Dahil dito, nagsagawa ng follow-up operation ang mga otoridad na humantong sa engkwentro.

Nagawa pang itakbo sa Quezon City General Hospital si Regala pero idineklara rin itong dead on arrival.

Nakuha sa kamay ng mga suspect ang isang caliber .45 at caliber .38 na baril.

Ayon kay Bernaldez, miyembro ng kilabot na robbery-holdup group ang mga napatay na suspect.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.