Mga nasa likod ng pelikulang Oro, pinatawan ng bagong parusa, bawal munang lumahok sa MMFF
Bukod sa pagkakabawi ng FPJ Memorial Award, nakatanggap ng panibagong sanction ang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na “Oro”.
Pinatawan ng one-year ban ang mga taong nasa likod ng pelikulang Oro mula sa pagsali sa naturang film festival dahil sa dahil sa kontrobersiyang pagkatay ng aso sa pelikula.
Ayon kay Film Development Council of the Philippines (FDCP) chair at MMFF executive committee (execom) member Liza Diño ang nasabing penalty ay resulta ng imbestigasyon ng MMFF na may asong namatay habang ginagawa ang pelikula.
Dagdag pa ni Diño, ang naturang insidente ay kanila ng napatunayan and nagkaroon na rin ng pag-amin sa insidente.
Sinabi naman ni MMFF Spokesperson Noel Ferrer nan napagdesisyunan ng mga miyembro ng Execom ang pagba-ban sa production house na Feliz Film Productions, sa movie director Alvin Yapan at sa producers na sina Felix Guerrero and Mark Shandii Bacolod sa pagsali sa MMFF 2017.
Napatunayan din ng Execom na hindi nagsabi ng buong katotohanan ang crew ng pelikulang Oro sa totoong nangyari kaugnay ng kontrobersiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.