Kalihim ng NCMF at 10 iba pa, kinasuhan kaugnay sa pag-iisyu ng pekeng pasaporte sa 177 na Indonesians

By Erwin Aguilon January 06, 2017 - 06:08 PM

NCMF Photo
NCMF Photo

Isinulong na ng Pasay City Prosecutors Office ang pagsasampa ng mga kaso sa Mababang Korte laban kina National Commission on Muslim Filipino (NCMF) Sec. Yasmin Busran Lao at siyam na iba pang opisyal ng NCMF.

Ito ay kaugnay sa pagsasabwatan umano ng mga opisyal ng NCMF kasama ang isang opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) para mabigyan ng Philippine Passport ang nasa 177 na Indonesian Nationals na naaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong August 2016.

Ang nasabing mga Indonesian ay hinarang habang papasakay sana ng flight patungong Saudi Arabia para dumalo sa Jahh pilgrimage matapos matuklasan na peke ang kanilang mga pasaporte.

Maliban kay Lao, kasama din na kinasuhan ang iba pang NCMF officials na sina Salem Demuna, Zainoden Usudan, Mamintal Cali, Gamal Hallong, Narodin Lamondot, Abang Marohomsalic, Udto Bantuas, Sania Mangandog at Lawrence Dilangalen, gayundin ang opisyal DFA passport division na si Khalid Mapandi.

Kasong paglabag sa Republic Act 9208 o anti-trafficking in persons act, paglabag sa section 45 ng Philippine Immigration Law, paglabag sa Philippine Passport Law, falsification of public document at syndicated estafa ang isinampa laban sa mga opisyal.

Nang maharang ang nasabing mga dayuhan, nasabat sa kanila ang mga pekeng Philippine passport na anila ay binayaran nila sa pinoy na nag-organisa para sila ay makadalo sa pilgrimage sa halagang 6,000 dollars hanggang 10,000 dollars kada isa sa kanila.

Ayon sa Bureau of Immigration, natuklasang hindi sila Pinoy dahil hindi sila makapagsalita ng tagalog at iba pang dayalekto nang sila ay kapanayamin.

Sa naging imbestigasyon noon ng BI, walang slots na nakalaan para sa mga Indonesian sa naturang Hajj na ginanap noong September 9 hanggang 14, kaya tinangkang pagamitin sila ng Philippine passport para magamit nila ang slot na nakareserba para sa mga Filipino pilgrims.

 

 

TAGS: NCMF, Yasmin Busran Lao, NCMF, Yasmin Busran Lao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.