57 showbiz personalities walang balak sumuko; dadamputin na lang daw ng PNP
Mas hinigpitan ng Philippine National Police (PNP) ang pagmamanman sa mga tinaguriang narco-celebrities.
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, Chief Supt. Guillermo Eleazar, hindi na nila inaasahang susuko ang mga binabantayang showbiz personalities kaya tinitiktikan na lamang ang mga ito hanggang sila ay mahuli sa akto.
Sinabi ni Eleazar na may mga impormasyon na silang hawak laban sa nasabing mga personalidad na pawang kabilang sa “celebrity drug list”.
Sa ngayon, mayroong 57 na mga celebrities na nasa drug list ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Samantala, kinumpirma ni NCRPO chief Director Oscar Albayalde na patuloy ang surveillance operation nila laban sa naturang mga celebrity.
Sa kanilang impormasyon, ang mga personalidad ay sangkot sa paggamit at “sharing” ng ilegal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.