Philippine Coast Guard, nagpatrulya na sa Ilog Pasig at Manila Bay, bilang paghahanda sa traslacion ng Black Nazarene
Nagsagawa ng pagpapatrolya sa Ilog Pasig at Manila Bay ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon kay Coast Guard Spokesperon Commander Armand Balilo, ininspeksyon nila ang Manila Bay sa likod ng Quirino Grandstand kung saan isasagawa ang pahalik sa Itim na Nazareno.
Bukod dito, tiningnan din ng kanilang mga tauhan ang bahagi ng Ilog Pasig sa Maynila lalo na ang malapit sa Quiapo at ilalim ng mga tulay partikular ang Jones Bridge kung saan dadaan ang traslacion.
Nais masiguro ng coast guard na walang makakalusot na pananabotahe para sa Pista ng Nazareno.
Sinabi ni Balilo na nananatili rin sa mataas na alerto ang kanilang hanay kung saan ipinag-utos ni Coast Guard officer-in-charge Commodore Joel Garcia ang mahigpit na pagbabantay at pagmamanman sa mga pantalan partikular ang mga patungo ng Metro Manila.
Simula ngayong araw hanggang sa Lunes, magdamag na ang pagpapatrulyang gagawin ng coast guard sa nasabing mga lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.