Pangulong Duterte, nakakuha ng mataas na approval at trust rating sa huling quarter ng 2016

By Len Montaño January 06, 2017 - 04:07 PM

Duterte MalacanangSa gitna ng mga kontrobersya laban sa kanya at sa kanyang administrasyon, mataas pa rin ang approval at trust ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte sa huling quarter ng 2016.

Ayon sa bagong Pulse Asia survey, marami pa ring Pilipino ang nagustuhan ang trabaho ni Pangulong Duterte.

Sa survey na ginawa mula December 6 hanggang 11, 2016, parehong 83 percent ang nakuhang approval at trust ratings ng pangulo.

Ilan sa mga nangyari sa panahon na ginawa ang survey ay ang pagbibitiw ni Vice President Leni Robredo sa gabinete, ang pagbasura ng Korte Suprema sa mga petisyon laban sa Marcos burial sa Libingan ng mga Bayani at ang imbestigasyon ng senado at NBI sa pagpatay kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.

Halos pareho lang ang ratings ng pangulo noong Setyembre 2016 kung kailan nakakuha ito ng 86 percent sa performance at trustworthiness.

Samantala, limang porsyento ang hindi pabor sa trabaho ng pangulo habang 13 percent ang undecided, nasa apat na porsyento lang naman ang walang tiwala kay duterte.

Nakakuha ng pinakamataas na ratings ang pangulo sa Mindanao, sunod sa Visayas.

Mataas din ang ratings ng pangulo sa National Capital Region habang bahagyang mataas sa Luzon.

TAGS: Approval Rating, Pulse Asia Survey, Rodrigo Duterte, Trust Rating, Approval Rating, Pulse Asia Survey, Rodrigo Duterte, Trust Rating

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.