Reklamo laban sa 3 Chinese Nationals na nahulihan ng multi-bilyong halaga ng shabu sa San Juan, dedesiyunan na ng DOJ

Kuha ni Hani Abbas
Kuha ni Hani Abbas

Tinapos na ng Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation nito sa reklamong may kaugnayan sa nasabat na multi-bilyong pisong halaga ng shabu sa San Juan City noong December 23.

Ito ay matapos mabigo pa rin ang tatlong Chinese nationals na sina Shi Gui Xiong alyas Xiong, Che Wen De alyas Jacky Tan, at Wu Li Yong alyas David Go na makapagsumite ng kanilang counter affidavit sa reklamong manufacturing, distribution, possession, at trading of illegal drugs na isinampa laban sa kanila.

Sa pamamagitan ng kanilang abogado, hiniling pa ng mga dayuhan na mabigyan pa sila ng dagdag na panahon ng DOJ para maisumite ang counter-affidavits.

Gayunman, hindi na sila pinagbigyan nina Assistant State Prosecutors Mary Jane Sytat at Ethel Rhea Suril at itinuring nang submitted for resolution ang reklamo.

Kapwa respondents ng tatlo sa nasabing reklamo ang mga pinoy na sina Salim Arafat, Basher Jamal, at Abdullah Jamal.

Dahil nabigo ang mga dayuhan na idepensa ang sarili, dedesisyunan na ng DOJ ang reklamo batay sa mga inihaing ebidensya at testimonya laban sa kanila.

 

 

Read more...