Anak ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, pumanaw na

Atty. Salvador PaneloPumanaw na ang anak ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na si Salvador Carlo Panelo III.

Ayon kay Secretary Panelo, 27 gulang lamang ang kanyang anak at mayroon itong down syndrome.

Congestive heart failure ang sanhi ng pagpanaw ng nakababatang Panelo.

Nakaratay ang mga labi ng nakababatang Panelo sa Cosmopolitan Memorial Chapels and Crematory and the Ascension sa Araneta Avenue, Quezon City.

Agad namang nagpaabot ng pakikiramay ang palasyo ng Malakanyang sa pamilya Panelo.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, kaisa ang palasyo sa pamilya Panelo sa pagdadalamhati.

“The Palace extends its heartfelt condolences to Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo on the death of his son Carlo. Our thoughts and prayers are with the family of Secretary Panelo at this difficult time,” ayon kay Andanar.

 

 

Read more...