Sa anunsyo ng Korte Suprema, mula alas 12:00 ng tanghali sa Lunes, suspendido na ang pasok sa lahat ng korte sa lungsod.
Sakop ng kautusan ang Korte Suprema, Court of Appeals, Manila Regional Trial Courts at Manila Metropolitan Trial Courts.
Ito ay para makauwi ng maaga ang mga staff ng korte at upang hindi sila maipit sa traffic bunsod ng prusisyon ng Black Nazarene na taun-taon ay dinarayo ng milyung-milyong deboto.
Nakasaad din sa kautusan na dapat may italaga pa ring skeletal force sa Supreme Court at Court of Appeals para sa mga urgent fillings at pleadings na ang deadline ay sa Lunes.
MOST READ
LATEST STORIES