Libu-libong deboto ng Itim na Nazareno, maagang dumalo sa 1st Friday mass sa Quiapo church

By Dona Dominguez-Cargullo January 06, 2017 - 11:40 AM

Inquirer Photo - Joan Bondoc
Inquirer Photo – Joan Bondoc

Dinagsa ng libu-libong deboto ang Quiapo church ngayong araw na unang Biyernes sa taong 2017.

Ito ay para magsidalo sa first Friday mass sa nasabing simbahan.

Dahil sa sobrang dami ng nagsimba, hindi na sila nagkasya sa loob ng simbahan kaya maging ang ilang linya sa kahabaan ng Quezon Boulevard ay nasakop na ng mga dumalo sa misa.

Bunsod nito, maagang sumikip ang daloy ng trapiko sa Quiapo area.

Samantala, kanina rin sinimulan na ng Manila task force ang clearing operations sa palibot ng Quiapo.

Ang mga sasakyan na nakahambalang sa mga lansangan na daraanan ng traslacion ay hinatak ng mga mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority.

Magpapatuloy ang clearing operations bukas at sa Linggo para matiyak na walang magiging abala sa mga daraanan ng prusisyon sa Lunes.

 

 

TAGS: Black Nazarene, first Friday mass, manila, Quiapo Church, Black Nazarene, first Friday mass, manila, Quiapo Church

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.