Bagong LPA sa Mindanao, binabantayan ng PAGASA, magiging unang bagyo sa bansa ngayong taon kung tuluyang lalakas

By Dona Dominguez-Cargullo January 06, 2017 - 06:41 AM

Nakapasok na sa bansa ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA sa bahagi ng Mindanao.

Huling namataan ng PAGASA ang nasabing LPA sa 610 kilometers East ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Ayon sa PAGASA kung tuluyang lalakas at magiging isang bagyo ay papangalanan itong Auring at magiging unang bagyo sa bansa ngayong taong 2017.

Dahil sa nasabing LPA, makararanas ng maulap na papawirin ang buong Mindanao ngayong araw na mayroong mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan.

Samantala, umiiral naman ang Northeast Monsoon sa buong Luzon at Visayas.

Ayon sa PAGASA, mahinang pag-ulan naman ang aasahan sa mga rehiyon ng Cagayan Valley, Cordillera, Bicol, CALABARZON, MIMAROPA, Eastern Visayas at sa lalawigan ng Aurora.

Bahagyang maulap naman na mayroong isolated at mahinang pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.

 

TAGS: low pressure area, Pagasa, Weather in Philippines, low pressure area, Pagasa, Weather in Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.