Umakyat ang inflation sa bansa sa pinakamataas na antas sa loob ng dalawang taon nitong nakalipas na Disyembre sa gitna ng selebrasyon ng panahon ng Kapaskuhan.
Ito ay resulta ng pagtaas ng presyo ng mga pagkain dahil sa holiday season.
Sa kabila nito, nanatiling mababa ang average na hinahangad ng pamahalaan kumpara sa target ng gobyerno para sa 2016.
Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority, (PSA) umakyat ng 2.6 percent ang antas ng headline inflation noong nakaraang buwan year-on-year.
Ito ang inituturing na pinakamabilis mula noong taong 2014 na nakapagtala ng 2.7 percent.
Sa kabila naman ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin noon Disyembre, nanatili sa 1.8 percent ang full-year average na mas mababa sa target na 2.4 percent ng pamahalaan.
Paliwanag ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Amando Tetangco Jr., kanilang inaasahan ang resulta ng inflation.
Kanilang patuloy aniyang babantayan ang mga develpment sa global at domestic financial market at pagbabago sa global demand and supply ng mga produkto upang matukoy kung ano ang magiging galaw ng domestic inflation.
Ayons sa BSP, kanilang inaasahang aabot ng 3.3 percent ang average inflation para sa taong ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.