China, nagsagawa ng testing ng kanilang mga armas sa drills nila sa South China Sea

By Kabie Aenlle January 06, 2017 - 04:40 AM

China-aircraft-carrier_APNagsagawa ng testing ng mga armas at kagamitan ang grupo ng mga warships na pinangungunahan ng kaisa-isang aircraft carrier ng China, sa kanilang exercises sa South China Sea kamakailan.

Ayon kay Chinese foreign ministry spokesman Geng Shuang, nagsasagawa ng scientific research at pagsasanay ang Liaoning aircraft carrier group, alinsunod sa kanilang mga plano.

Layunin aniya nito ang masubukan ang performance ng kanilang mga weapons at equipment.

Sa isa namang official microblog ng People’s Liberation Army Navy, ibinalita nilang nagsagawa sila ng drills sa South China Sea gamit ang kanilang mga fighter jets at helicopters.

Sinimulan ng China ang exercises ng mga barko kasama ang Liaoning sa South China Sea, mula pa noong nakaraang buwan.

Nagsanhi ito ng tensyon sa pagitan ng China at ng mga bansang umaangkin rin sa teritoryo sa South China Sea, partikular na ang Taiwan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.