Kerwin Espinosa, nasa ilalim na ng witness protection program ng DOJ

By Kabie Aenlle January 06, 2017 - 04:36 AM

kerwin-espinosa1-620x488Kinumpirma ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na isinailalim na nila ang confessed drug lord na si Kerwin Espinosa, sa witness protection program (WPP) ng Department of Justice (DOJ).

Ayon kay Aguirre, naipasok sa WPP ng DOJ si Espinosa noong Pasko, ilang araw lang matapos siyang mailipat sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) mula sa Philippine National Police Anti-Illegal Drugs Group (PNP-AIDG).

Matatandaang nakabalik sa bansa si Espinosa matapos ang ilang buwang pagtatago noong Nobyembre, matapos maaresto sa Abu Dhabi noong Oktubre ng nakaraang taon.

Ani Aguirre, sa pagkakaalam niya ay full coverage ang ibinigay na proteksyon kay Espinosa, dahil nakatitiyak siyang wala namang ibang hahadlang sa pagsasailalim sa kaniya sa permanent protection ng kagawaran.

Samantala, sunod naman aniyang hihilingin ng prosekusyon na maalis ang mga kaso laban kay Kerwin, dahil isa na siyang state witness laban kay Sen. Leila de Lima at sa kalakalan ng iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prison.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.