Pero ngayon, kasama na ni De Lima sa mga nakasuhan ang dati niyang karelasyon at driver na si Ronnie Dayan, pati na si Espinosa.
Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, ang reklamong ito ay may kaugnayan sa sinabi ni Espinosa na binigyan niya si De Lima ng P8 milyon para sa kaniyang senatorial campaign.
Sa pagkakasama naman ni Espinosa sa kasong ito ngayon, sinabi ni Aguirre na desisyon na ng korte kung aalisin nila ang confessed drug lord para gawing state witness.
Ito naman na ang ika-anim na kasong isinampa laban kay De Lima, at pangalawang kasong isinampa ng NBI laban sa kaniya.
Ang ibang mga reklamo ay inihain ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC); dating NBI deputy directors Reynaldo Esmeralda at Ruel Lasala; high profile inmate na si Jaybee Sebastian, at mga miyembro ng Kamara.