De Lima, Dayan at Espinosa, sinampahan ng kasong kriminal dahil sa drug money
Nagsampa na naman ng kaso ang National Bureau of Investigation (NBI) ng kasong kriminal laban kay Sen. Leila de Lima dahil sa pagtanggap niya ng drug money mula sa confessed drug lord na si Kerwin Espinosa.
Pero ngayon, kasama na ni De Lima sa mga nakasuhan ang dati niyang karelasyon at driver na si Ronnie Dayan, pati na si Espinosa.
Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, ang reklamong ito ay may kaugnayan sa sinabi ni Espinosa na binigyan niya si De Lima ng P8 milyon para sa kaniyang senatorial campaign.
Sa pagkakasama naman ni Espinosa sa kasong ito ngayon, sinabi ni Aguirre na desisyon na ng korte kung aalisin nila ang confessed drug lord para gawing state witness.
Ito naman na ang ika-anim na kasong isinampa laban kay De Lima, at pangalawang kasong isinampa ng NBI laban sa kaniya.
Ang ibang mga reklamo ay inihain ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC); dating NBI deputy directors Reynaldo Esmeralda at Ruel Lasala; high profile inmate na si Jaybee Sebastian, at mga miyembro ng Kamara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.