Dati kasi ay gusto nilang singilin ang isang may edad na rin namang veteran journalist dahil ginagamit nga naman ng walang pahintulot ang kanilang mga column na lumalabas sa mga pahayagan.
May segment kasi sa isang himpilan ng radyo itong bida sa ating kwento.
Noong araw ay sarili niyang column ang kanyang binabasa na naibebenta naman niya sa mga advertisers.
Dumating ang pagkakataon na kinakapos ng materyal ang beteranong mamamahayag kaya column ng ibang mga journalists mula sa iba’t ibang mga dyaryo ang binabasa niya on-air.
Kumikita siya sa pamamagitan ng mga on-air advertisements pero hindi niya ito ibinabahagi sa mga tunay na may-ari ng mga column na kanyang ginagamit.
Nagugulat na lamang ang ilang mamamahayag kapag naririnig nila sa radyo na binabasa ang kanilang column ng walang kaukulang pahintulot.
Lately ay naging madalas ang pagkakasakit ng beterano pero mayamang journalist na bida sa ating kwento.
Dumanas din siya ng mild stroke kaya ito malamang ang dahilan kaya hinahayaan na lamang ng ilang kolumnista na magamit on-air ang kanilang mga piyesa.
Kumbaga ay tulong na nila ito para may pambili ng gamot ang ating bida.
Kilala ang beteranong mamamahayag na ating tinutukoy na dati ring may programa sa TV na ang title ay pangalan din ng kanyang column sa isang broadsheet.
Dati rin siyang adviser ng ilang mga naging lider ng ating bansa.
Ang veteran journalist na bida sa kwento natin ngayong araw ay si Mr. H.L….as in High Low