Isang taong hindi muna maaring mag-practice ng law si Atty. Argee Guevarra matapos itong suspendihin ng Korte Suprema.
Base sa 13-pahinang desisyon ng SC na pinonente ni Associate Justice Estela Perlas-Bernabe sinabi nito na guilty si Guevarra sa paglabag sa Code of Professional Responsibility partikular sa Rules 7.03, 8.01 at 19.01.
Mahigpit din itong binalaan na kapag gumawa pa ng kaparehong paglabag ay mas mabigat na parusa ang kakaharapin nito.
Ang suspensyon kay Guevarra ay kaugnay sa reklamong isinampa ni Dra. Victoria “Vicki” Belo-Henares at ng Belo Medical Group matapos ang sinasabing mapanirang facebook post nito.
Sa FB post nito tinawag ni Guevarra na quack doctor si Belo bukod pa sa “Reyna ng Kaplastikan, Reyna ng Payola at Reyna ng Kapalpakan na nakasira sa reputasyon ng doctor at ng kanyang clinic.
Sinabi ng korte na inihayag din ni Guevarra sa kanyang FB na paparalisahin nito ang operasyon ng lahat ng Belo Clinic at hinikayat ang mga kliyente nito na boykotin ang doktor.
Dahil dito, Napatunayan ng korte na may criminal negligence si Guevarra dahil sa ginawa nitong mga mapanirang facebook posts.
Sinabi ng Supreme Court na sa pamamagitan ng mga FB post laban kay Dra. Belo at sa clinic nito, ipinagwalang bahala ni Guevarra na bilang isang abogado ay dapat itong palaging nasa tamang decorum; ito man ay public o private life nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.