Dagdag na buwis sa petrolyo haharangin ni De Lima
Kontra si Sen. Leila de Lima sa binabalak na pagpapataw ng karagdagang buwis sa mga produktong petrolyo.
Ayon kay de lima magbubunga ito ng pagtaas ng pasahe at bilihin kaya’t lubos itong mararamdaman ng masa.
Sinabi nito na dapat pag-aralan ito ng husto ng gobyerno at dapat din sabihin ng gobyerno kung saan gagamitin ang makokolektang karagdagang buwis.
Kinuwestiyon din ni de Lima kung talagang kinakailangan ang dagdag na buwis bukod sa sinisingil ng 12-percent na value added tax (VAT).
Ito ay dahil ibinaba na ang collection targets ng Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs pagkatapos ay patataasin naman ang buwis sa mga produktong petrolyo.
Sa mga nakalipas na linggo ay naging sunud-sunod ang pagtataas sa presyo ng gasolina, diesel at gaas.
Nauna nang sinabi ng ilang Malacañang insiders na kailangan ang dagdag na buwis sa petroleum products para pondohan ang ilang proytekto ng gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.