NAIA, gagamit na ng makabagong full body scanners

11880142_884632758269950_553766632_nLabingapat na bagong full body scanners ang gumagana na ngayon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Eqo Portal System ang tawag dito ayon sa NAIA na nasa P12 milyong piso ang halaga bawat isa.

Ang EPS ay makakayanang maka-detect ng lahat ng uri ng mga ipinagbabawal na bagay na itinatago sa katawan ng mga pasahero.

May kakayahan ang eqo portal na ma-detect ang mga ceramics, liquids, metals, narcotics, at explosives o pampasabog.

Ayon kay Jose Mari Castañeda, Presidente ng Defense and Protections Systems Phil., Inc. at supplier ng EPS, skin deep lamang at hindi malalantad ang private parts ng pasahero kapag dumaan sa bagong scanner.

Ang labingapat na scanners ay naka-install na sa Terminals 1, 2, 3 at 4 ng NAIA.

Ang full body scanner ay gumagamit ng makabagong millimeter-wave technology na mayroon lamang mababang frequency radiation kaya ligtas para sa mga buntis at may mga body implants.

Ang labingapat na units ng eqo portal system ay nagkakahalaga ng PhP149 million sa kabuuan./Ruel Perez 

Read more...