Inirekomenda na ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kay Philippine National Police Chief, Director General Ronald Dela Rosa ang suspensyon ng permit to carry firearms sa buong lungsod ng Maynila sa pista ng Itim na Nazareno.
Ayon kay NCRPO chief Oscar Albayalde, base sa kanilang rekomendasyon sisimulan ng suspensyon ng PTC sa araw ng Linggo, January 8, ganap na alas 8:00 ng umaga hanggang sa Martes January 10, alas 8:00 ng umaga.
Sinabi ni Albayalde na bahagi ito ng kanilang security measure na ipatutupad para sa traslacion.
Naniniwala naman ang opisyal na aaprubahan ni Dela Rosa ang kaniyang rekomendasyon dahil ito naman aniya ay para sa kapakanan ng lahat.
Samantala, ayon kay Manila Police District Director Joel Coronel magpapatupad sila ng mga checkpoint operation sa buong lungsod.
Gayundin, papaigtingin nila ang anti-criminality campaign sa Quiapo, Maynila at sa mga lugar kung saan dadaan ang traslacion.
Mahigpit aniya nilang ipapatupad ang ordinansa ng lungsod na nagbabawal sa pag-inom sa mga pampublikong lugar.
Pagsuspinde sa permit-to-carry firearms sa Maynila sa pista ng nazareno inirekomenda ng NCRPO @dzIQ990 pic.twitter.com/xnpLtPXkSn
— Erwin Aguilon (@erwinaguilonINQ) January 5, 2017